Trader itinumba sa farm

Kinilala ang nasawing biktima na naisugod pa sa Bayview Medical Center subalit idineklarang patay si Andrinyl Sarmiento ng Barangay Poblacion 1 sa nasabing bayan. Philstar.com/File

MANILA, Philippines – Pinaniniwalaang onsehan sa droga ang isa sa motibo kaya napaslang ang 33-anyos na negosyante matapos itong pagbabarilin ng di-kilalang lalaki sa bayan ng Calaca, Batangas noong Martes ng gabi.

Kinilala ang nasawing biktima na naisugod pa sa Bayview Medical Center subalit idineklarang patay si Andrinyl Sarmiento ng Barangay Poblacion 1 sa nasabing bayan.

Sa police report na isinumite sa Camp Crame, abala ang biktima sa pag-aayos sa imbakan ng patuka sa kaniyang farm sa Sitio Sabak, Brgy. Madalunot nang lapitan at ratratin.

Nagawa pang makatakbo ng biktima pero hinabol ito ng gunman saka pinutukan uli hanggang sa duguang bumulagta.

Lumilitaw din sa imbestigasyon ng pulisya na ang biktima ay itinuturing na ika-10 top drug personality sa Lambat Sibat ng PNP at ika-14 sa drug watchlist sa municipal level.

Narekober sa crime scene ang 8-cartridge ng cal. 45 pistol at mga basyo ng bala.

Show comments