NORTH COTABTO, Philippines – Patay ang 16-anyos na pamangkin ng barangay chairman matapos itong tambangan ng mga di-kilalang lalaki sa Barangay Buricain, bayan ng Pigcawayan, North Cotabato kahapon ng hapon. Kinilala ng pulisya ang biktima na si John Paul Maraguiar habang nakaligtas naman ang kasama ni John na si Buricain Barangay Chairman Arnel Abdulsalam. Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na naglalakad pauwi ang dalawa mula sa pagpupulong sa bahay ni Kagawad Ding Luminseg kasama ang ilang mga guro ng Buricain Elementary School nang harangin at pagbabarilin. Ayon kay P/Senior Insp. Arnel Melocotones, hepe ng Pigcayawan PNP, pangunahing suspek sa pananambang ay ang grupo ni kumander Alfie ng 105th based command na nakabase sa bayan ng Aleosan.Pinaniniwalaang may kaugnay sa matagal ng alitan ng magkabilang pamilya o rido.