2 utas sa shootout

CAVITE, Philippines – Dalawa-katao kabilang ang isang pulis ang napatay sa naganap na shootout sa Barangay Paliparan 3, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga napatay na sina PO3 Andy Viadumang, 36, ng Imus PNP; at Noel Latoza, 34, ng Pintong Gubat sa Brgy. Paliparan 3 sa nasabing lungsod. Sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia. Nakipagbarilan si PO3 Viadumang sa lider ng sindikato na si Latoza kung saan ito napatay. Gayon pa man, tinangkang tumakas ni PO3 Viadumang subalit niresbakan siya at napatay ng mga tauhan ni Latoza. Wala namang impormasyon ang pulisya sa naganap na shootout kung saan sinisilip ang anggulong may kaugnayan sa droga.

Show comments