Mag-ama utas sa drug bust

Iniharap sa mga mamamahayag ang dalawang drug peddlers na nasakote sa initalag na buy-bust operation ng mga tauhan ni P/Senior Insp. Sunny Rubas Leoncito sa bahagi ng Purok Islam, Barangay Poblacion sa bayan ng Matalam, North Cotabato kahapon ng madaling araw. Nasamsam sa mga suspek na sina Jakarya “Kire” Balabagan at Alex Mangindalat Amilel ang 22 plastic sachets ng shabu at isang shotgun. Rhoderick Beñez

NORTH COTABATO, Philippines – Napaslang ang mag-ama na sinasabing notoryus sa pagpapakalat ng droga makaraang pumalag at paki­pagbarilan sa mga ope­ratiba ng pulisya sa inilatag na drug bust operation sa bayan ng T’boli, South Cotabato kahapon ng umaga. Kinilala ni P/Chief Insp. Jose Marie Simangan, hepe ng T’boli PNP, ang mag-ama na sina Nelson Sollera Sr. at Jethro Sollera, estud­yante ng SITE Koronadal na kapwa nakatira sa Purok Blancia, Barangay Poblacion sa nabanggit na bayan.

Samantala, nasakote naman ng pulisya ang tatlo pang suspek na sina Nelson “Bobong” Sollera Jr., Neri Tuan Sollera, at si Melchor Fiel na nakatira rin sa nasabing compound kung saan isinagawa ang drug bust operation.

Nasamsam ng raiding team ang 27 plastic sachet ng shabu, 3-granada, 2-shotgun, magazine ng mga bala, P1,843 cash at mga drug paraphernalia.

Patuloy naman na ginagamot sa ospital sa General Santos City ang dalawang nasugatang pulis na sina PO1 Chrysler Jimenez, 29, ng Regional Police Safety Battalion 4th Manuever Company na nakabase sa Surallah, South Cotabato na tinamaan sa kaliwang balikat at P02 Leodegario Turbolento ng T’boli PNP na tinamaan sa kanang hita.

Show comments