Sundalo nilikda ng NPA

CAMARINES NORTE, Philippines – Napatay ang isang sundalo ng 42nd Infantry Battalion ng Philippine Army makaraang pagbabarilin ng mga rebeldeng New People’s Army sa Barangay Pagoring Nuevo, bayan ng Libmanan, Camarines Sur kamakalawa ng umaga. Sa ulat ng pulisya, lumilitaw na patungong palengke ang biktimang si Pfc. Ednhol Rey Caceres nang harangin at ratratin ng tatlong NPA rebs kung saan tinangay ang Armalite rifle ng biktima. Napag-alamang tropa ng biktima ang nagbabantay ng mga construction equiptment sa ginagawang proyekto ng pamahalaan sa nasabing lugar. 

 

Show comments