Sundalo pinabulagta

MANILA, Philippines - Humabol sa Undas ang isang sundalo matapos itong pagbabarilin ng hindi pa kilalang lalaki sa Brgy. Pag-oring, bayan ng Libmanan, Camarines Sur kahapon ng umaga. Sa ulat ng Army’s 9th Infantry Division, kinilala ang biktima sa apelyido lamang nitong Caceres ng Armys 42nd Infantry Battalion na nakabase sa bayan ng Tigaon, Camarines Sur. Nabatid na bumibili ng pagkain sa tindahan ang biktima nang lapitan at ratratin bandang alas-9:40 ng umaga. Wala namang lumutang na testigo para makilala ang gunman.

Show comments