Misis binigti ng mister

CAVITE, Philippines – Pinaniniwalaang selos ang isa sa motibo kaya binigti ang 30-anyos ng kanyang mister sa harap ng kanilang anak na lalaki kamakalawa sa Barangay Sta. Lucia sa Dasmariñas City, Cavite. Kinilala ang biktima na si Mary Joy Mendoza habang arestado naman ang suspek na si Richan Bunyad, 28, construction worker at kapwa nakatira sa nasabing barangay. Sa police report na isinumite sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City,  lumilitaw na itinago ng suspek ang krimen matapos ipagbigay-alam sa pulisya na nagbigti ang biktima.  Subalit pinabulaanan ng 5-anyos na anak ang alegasyon ng suspek dahil nasaksihan nito ang ginawang pagpatay sa kanyang nanay. Nakatakdang kasuhan ang suspek habang nakakulong.

Show comments