Maglola pisak sa killer truck

Kinilala ang maglola na si Inocencia Lopez, 78; at Tristan Jacop Galicha y Lopez, 9 months old, mga nakatira sa Barangay Emmanuel, bayan ng Cuenca, Batangas. STAR/File photo  

BATANGAS, Philippines – Magkasabay na sinalubong ni kamatayan ang maglola habang kritikal naman ang isa nilang kaanak matapos suwagin ng truck ang isang kubo sa Barangay Emmanuel, bayan ng Cuenca, Batangas kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang maglola na si Inocencia Lopez, 78; at Tristan Jacop Galicha y Lopez, 9 months old, mga nakatira sa nasabing barangay. Nasa malubhang kalagayan naman si Jose Galicha, 13 na ginagamot sa Martin Marasigan Memorial Hospital.

Ayon sa police report, nawalan ng preno ang I­suzu Elf truck (TMP-466) ni Romualdo Del Mundo sa kahabaan ng highway kung saan nagpagiwang-giwang bago sumalpok sa kubo ng mga biktima bandang alas-7:30 ng umaga.

Mahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting to double homicide and physical injuries si Del Mundo na nakapiit sa himpilan ng pulisya.

Show comments