MANILA, Philippines – Dahil sa planong pakikipaghiwalay ng ka-live-in, nag-suicide ang 30-anyos na mister matapos itong magbaril sa sentido sa kanilang bahay sa Purok Tangan-Tangan 2, Brgy. Remedios sa bayan ng Remedios T. Lim, Zamboanga Sibugay kamakalawa ng hapon. Kinilala ang biktima na si Jaypee Miguel ng Brgy. JS Perfecto sa nasabing bayan. Sa ulat ni P/Chief Insp. Rogelio Alabat na isinumite sa Camp Crame, naitala ang insidente habang magkasama ang biktima at ka-live-in na si Emelyn Manahan na lulan ng motorsiklo nang biglang huminto sa highway matapos na maubusan ng gasolina. Nabatid na sumiklab ang pagtatalo ng magka-live-in kaugnay sa pakikipaghiwalay ng babae na tumagal ng dalawang taon ang pagsasama. Gayon pa man, hindi pumayag ang biktima kung saan nagbaril ito sa harap ng babae. Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang isang cal. 45 pistol at dalawang basyo ng bala.