Bisor ng City of Dreams, nagbigti

Bandang alas-10:30 ng gabi nang matagpuan ng kanyang nobyo ang nakabiting biktima na si Maria Virginia Herrera, supervisor ng City of Dreams sa Parañaque City at residente sa nasabing barangay. Philstar.com/File

CAVITE, Philippines – Pinaniniwalang desperada sa kasalukuyang buhay kaya kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 30-anyos na dalaga matapos itong magbigti sa boarding house sa Barangay Tejeros, bayan ng Rosario, Cavite kamakalawa ng gabi. Bandang alas-10:30 ng gabi nang matagpuan ng kanyang nobyo ang nakabiting biktima na si Maria Virginia Herrera, supervisor ng City of Dreams sa Parañaque City at residente sa nasabing barangay. Sa police report na isinumite sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City, huling namataang buhay ang biktima na nakikipagtalo sa kanyang nobyong negosyante na si Mark Lester Manliclic sa inuupahang boarding house. Nabatid din na nag-text pa ang biktima sa kanyang nobyo subalit hindi naman sineryoso nito ang nilalaman ng text message kaugnay sa pagpapakamatay ng biktima.

Show comments