Anak grinipuhan ng ama, todas

QUEZON, Philippines – Napatay ang 34-anyos na tsuper matapos itong saksakin ng sariling ama dahil sa pag-awat nito sa pakikipag-inuman kamakalawa ng gabi sa Barangay San Rafael, bayan ng Atimonan, Quezon. Nagtamo ng mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang  biktimang si Ariel Obedece habang naaresrto naman ang 64-anyos na suspek na si Romeo Obedece. Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na nagpabinyag ng anak ang biktima kung saan maraming bisita. Gayon pa man, nalasing ang suspek kaya inawat at inuwi ng biktima sa kanilang bahay na may ilang metro lamang ang layo. Su­balit, ilang minuto ang nakalipas ay bumalik ang suspek na armado ng patalim kung saan nagwika na bakit siya inawat ng anak sa pakikipag-inuman at sinundan ng sunud-sunod na saksak ang sariling anak.

Show comments