^

Probinsiya

Tagbilaran Airport isinara dahil sa haze

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pansamantalang isinara ang Tagbilaran City Airport dahil sa makapal na usok mula sa forest fire ng Indonesia na bumalot sa landmarks.

Daan-daang pasahero na patungong Bohol mula sa Manila ay nagre-route sa Cebu City matapos magpalabas ng advisory mula sa tower controller ng Tagbilaran Airport kaugnay sa gumagapang na haze.

Maging ang mga pasaherong na-stranded na patu­ngong Manila mula sa Bohol ay naglayag na patungo naman sa Cebu bago mag-flights mula sa Mactan-Cebu International Airport.

Wala namang pinapayagang flights na patungong Bohol mula sa Manila dahil sa makapal na usok na bumalot sa landmarks kung saan kapos sa instrument landing system (ILS) ang Tagbilaran Airport.

Ayon sa airport tower controller na si Joel Palingcod, wala namang eroplano na bumiyahe matapos ang unang flights mula sa Maynila dahil sa zero visibility na dulot ng haze.

Mapanganib sa mga eroplanong bumiyahe pa-Maynila dahil sa kapal ng usok na bumabalot sa mga kabundukan ng Maribojoc at Panglao kung saan ito ang landmark ng mga piloto.

Sinabi pa ni Palingcod, mas matindi ang sitwasyon sa Dumaguete Airport sa Sibulan, Negros Oriental kung saan ang visibility ay aabot lamang sa one-kilometer range dahil sa haze.

Nabatid na pinagbabatayan ng mga piloto na ligtas na bumiyahe kapag ang vi­sibility ay may 5-kilometro na makikita ang landmarks. Freeman News Service

ACIRC

ANG

BOHOL

CEBU CITY

DUMAGUETE AIRPORT

FREEMAN NEWS SERVICE

JOEL PALINGCOD

MACTAN-CEBU INTERNATIONAL AIRPORT

MAYNILA

MULA

TAGBILARAN AIRPORT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with