^

Probinsiya

Minahan gumuho: 23 pamilya inilikas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umaabot sa 23 pamilya (80-100 katao) ang inilikas matapos na gumuho ang tunnel ng minahan sa bayan ng Itogon, Benguet noong Biyernes ng hapon. Sa ulat ng Cordillera Administrative Region (CAR) Office of Civil Defense, dakong alas-5 ng hapon nang tuluyang gumuho ang drainage tunnel ng Benguet Corporation sa Barangay Virac. Pinaniniwalaang lumambot ang lupa sa minahan dahil sa patuloy na buhos ng ulan dulot ng bagyong Lando hanggang sa tuluyan itong bumigay kamakalawa. Nabatid pa na dalawang kabahayan sa tagiliran ng bulubunduking minahan ang nagtamo ng pinsala kung saan walang nakatirang pamilya. Kaugnay nito, namahagi na ng relief goods ang lokal na pamahalaan sa mga naapektuhang residente. Magugunita na sa kasagsagan ng bagyong Lando ang Benguet ang nakapagtala ng  pinakamalaking bilang ng mga namatay na kung saan umabot sa 15-katao sa kabuuang 21 sa kalamidad sa CAR habang sa 18 naman nasugatan.

vuukle comment

ANG

BARANGAY VIRAC

BENGUET

BENGUET CORPORATION

BIYERNES

CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION

ITOGON

KAUGNAY

LANDO

MAGUGUNITA

OFFICE OF CIVIL DEFENSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with