Mister sinermunan ang misis, dinedo

QUEZON, Philippines – Napatay ang 46-anyos na magsasaka makaraang saksakin ng kaanak ng kanyang misis dahil sa patuloy nitong pananabon sa asawa, kamakalawa ng gabi sa Sitio Cang-ugtong, Barangay Huyon-uyon sa bayan ng San Francisco, Quezon. Napuruhan sa likuran at tumagos sa baga ng biktimang si Rene “Boy” Artezuela habang nasakote naman ang suspek na si Marlon Uggtong na sinasabing pinsan ng asawa ng biktima. Sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na bandang alas-10 ng gabi ay huling namataang buhay ang biktima na pinagagalitan ang asawa nito sa hindi malamang dahilan. Nang makita ng suspek na umiiyak ang pinsang babae ay kumuha ito ng patalim saka patraydor na sinakyod ng saksak ang biktima saka tumakas subalit kinalaunan ay nadakip din.

Show comments