^

Probinsiya

Kinidnap na finance officer, pinalaya

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinalaya na ng mga teroristang Abu Sayyaf Group ang dinukot na finance officer ng mining  company matapos itong abandonahin sa kagubatan ng Sulu noong Martes ng gabi.

Kinilala ni Captain Anthony Bulao, spokesman ng AFP-Joint Task Group Sulu ang biktima na si Priscillano Garcia.

Si Garcia ay binihag ng Sayyaf sa Beachside Inn Hotel and Restaurant sa Barangay Sowang Kagang sa bayan ng Bongao, Tawi-Tawi  noong Abril 3, 2015 kung saan itinago ito sa Sulu.

Bandang alas-8:40 ng gabi nang pawalan  ang bihag na inabandona sa bayan ng Indanan kung saan narekober naman ng militar sa pantalan ng Jolo, Sulu.

Ayon kay Bulao, na-pressure ang Abu Sayyaf sa pina­lakas na military operations partikular na sa bayan ng Indanan at Patikul kaya napilitang abandonahin ang bihag.

Agad namang isinugod sa Kuta Heneral Teofilo Bautista Hospital si Garcia at isinailalim sa medical checkup at stress de briefing kaugnay ng trauma na sinapit nito sa ilang buwang pananatiling bihag ng Sayyaf.

Nagpapatuloy naman ang military pressure sa grupo ng Abu Sayyaf upang mapilitang palayain ang mga nalalabi pang mga bihag.

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

ANG

BARANGAY SOWANG KAGANG

BEACHSIDE INN HOTEL AND RESTAURANT

CAPTAIN ANTHONY BULAO

INDANAN

JOINT TASK GROUP SULU

KUTA HENERAL TEOFILO BAUTISTA HOSPITAL

PRISCILLANO GARCIA

SAYYAF

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with