Parak inutas ng Sayyaf sa jogging

MANILA, Philippines - Pinagbabaril nang mala­pitan ng dalawang armadong kalalakihan na pinaghihinalaang mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang isang pulis sa  bisinidad ng Jolo airport, Brgy. Liyang, Patikul, Sulu kamakalawa.

Kinilala ni Brig. Gen. Allan Arrojado, Commander ng AFP- Joint Task Group (JTG) Sulu ang nasawing biktima na si PO2 Espaldon Tingkahan, 40, may-asawa at nakatalaga  sa 2nd Provincial Public Safety Company (PPSC).

Ayon kay Arrojado, naganap ang insidente sa nasabing lugar  habang nagjo-jogging ang biktima bandang alas-5:40 ng  umaga.

Sa imbestigasyon, sinabayan ng mga suspek sa pag-ehersisyo ang parak  saka bigla na lamang itong pinagbabaril.

Duguang bumulagta ang biktima  na agad binawian ng buhay sa insidente bunga ng mga tinamong tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang mga katawan.

Nagresponde naman sa lugar ang mga elemento ng Army’s 35th Infantry Batta­lion (IB) na nakipagpalitan ng putok sa mga suspek na nagawa namang makatakas patungo sa bulubunduking bahagi ng lugar.

Show comments