2 pisak sa gumulong na bato!

MANILA, Philippines –  Dalawa katao ang nasawi makaraang aksidenteng mabagsakan ng ma­laking tipak na bato na gumulong mula sa bundok sa Brgy. Lepanto, Mankayan, Benguet nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Johnny Dollente, 42-anyos, ng Poblacion at Cleton Sapino, 23, ng Brgy. Suyoc, pawang sa Manyakan.

Sa ulat ng Cordillera Police, dakong alas-6:52 ng gabi habang nakaupo at nag-aayos ng mga kahoy ng isang timber company ang dalawang biktima sa Nayak Level 1200, Brgy. Lepanto nang mabagsakan ng rumaragasang  malaking tipak ng bato mula sa itaas ng bundok.

Sa bilis ng pangyayari, hindi na nagawa pang umiwas o makatakbo ang mga biktima sanhi upang mabagsakan sa ulo at katawan.

Nagawa pang maisugod sa Lepanto Hospital ang mga biktima kapwa idineklarang dead-on-arri­val.

Show comments