Kumander ng MILF, kalaboso

NORTH COTABATO, Philippines – Arestado ang isang kumander ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na may mga nakabinbing kaso matapos masabat sa military checkpoint sa Barangay Kamasi sa bayan ng Alamada, North Cotabato kamakalawa. Isinailalim sa tactical interrogation si kumander Tahir Manggala na may alyas Tahir Saripada at nahaharap sa mga kasong kriminal kung saan may warrant of arrest na inisyu ni Judge George Jabido ng Midsayap Regional Trial Court Branch 18, North Cotabato. Ayon kay P/Chief Insp. Joseph Placer, si Kumander Manggala ay kabilang sa humarap sa settlement matapos na sumiklab ang bakbakan ng mga grupo ng Ilonggo at Iranon sa Sitio Papandayan sa nabanggit na bayan.

Show comments