Pulis nilikida ng tandem

NORTH COTABATO, Philippines – Napatay ang beteranong pulis matapos itong tambangan ng tatlong di-kilalang lalaki na lulan ng motorsiklo sa Barangay Naga, bayan ng Pototan, Iloilo, kahapon ng umaga. Napuruhan sa ulo at dibdib ang biktimang si SPO1 Nestor Perigrino, nakatalaga sa Janiuay Municipal Police Station sa Iloilo. Sa police report, lumilitaw na kaangkas sa motorsiklo ng biktima ang kanyang apat na anak kung saan ihahatid nito sa paaralan nang ratratin. Naisugod pa sa Iloilo Provincial Hospital ang biktima subalit idineklarang patay. Kasalukuyang inilatag ang operasyon ng pulisya laban sa mga suspek na pansamantalang hindi muna isiniwalat ang pagkakakilanlan.

Show comments