12-anyos itinulak sa ilog, lunod

Sa pahayag ni P/Senior Insp. Ignacio Layugan, hepe ng Benito Soliven PNP, idineklarang patay sa Isabela Doctor’s General Hospital sa Ilagan City ang biktimang si Jaycee Gelacio. Philstar.com/File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Maagang sinalubong ni kamatayan ang 12-anyos na binatilyo matapos itong itulak ng kanyang kaibigang lalaki sa malalim na ilog kung saan nalunod kamakalawa sa Barangay District 2, bayan ng Benito Soliven, Isabela. Sa pahayag ni P/Senior Insp. Ignacio Layugan, hepe ng Benito Soliven PNP, idineklarang patay sa Isabela Doctor’s General Hospital sa Ilagan City ang biktimang si Jaycee Gelacio. Lumalabas sa imbestigasyon na nagtatampisaw ang biktima kasama ang ilang kaibigan nang itinulak ito ng 14-anyos na suspek sa malalim na bahagi ng ilog kung saan tuluyang nalunod. Agad naman inaresto ng pulis­ya ang batang suspek kung saan inilipat sa kustodiya ng Municipal Social Welfare and Development Office.

Show comments