MANILA, Philippines - Isang pulis na idineklarang AWOL (absence without official leave) at isa pang hinihinalang drug pusher ang kapwa patay matapos na umano’y makipagbarilan sa mga pulis na nagsagawa ng drug bust operation sa Brgy. Tucod, San Rafael, Bulacan kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Bulacan Provincial Police Office (PPO) Director, P/Sr. Supt. Ferdinand Divina ang napatay na parak na si PO1 Edison Liwag, dating nakatalaga sa Provincial Public Safety Company, Bulacan Provincial Police Office (PPO) habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng isa pang napatay sa barilan.
Bandang alas-12:15 ng hapon nang magsagawa ng drug buy bust operation ang mga elemento ng San Rafael Police laban sa grupo ni Liwag sa lugar. Sa halip umano na sumuko, kumasa sila sa mga operatiba na nauwi sa putukan. Naaresto sa operasyon ang live-in partner ng isa sa suspek na nahuli sa aktong nagbebenta ng illegal na droga.
Nasamsam sa lugar ang dalawang Pietro Beretta 9 mm, isang cal.38 at ilang sachet ng shabu.