Abogado itinumba sa Bukidnon

MANILA, Philippines – Patay ang isang abogado habang patungo sa court hearing sa Malaybalay City, Bukidnon.

Nakilala ang biktimang si Pepito Suello na nagtamo ng iba’t ibang tama ng bala sa katawan, dahilan ng kaniyang pagkamatay.

Sakay ng kaniyang sasakyan si Suello nang harangin at paputukan siya ng armadong kalalakihan sa lungsod ng Malaybay.

Hindi pa naman nakikilala ang suspek, habang palagay ng mga awtoridad ay may kinalaman sa trabaho ni Suello ang motibo.

Nakumpirma rin ng mga pulis sa kamag-anak ng biktima na nakatatanggap siya ng death threats bago ang pananambang.

Show comments