Drug courier utas sa onsehan

NORTH COTABATO, Philippines – Napatay ang 34-anyos na sinasabing drug courier matapos itong pagbabarilin ng mga di-kilalang lalaki sa bisinidad ng Barangay Kayaga, bayan ng Kabacan, North Cotabato kahapon ng umaga. Kinilala ni P/Senior Insp. Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Wendell Manubag Canadilla ng Digos City sa Davao del Sur. Narekober sa crime scene ang 2 basyo ng cal. 9mm pistol at 2 pang bala nito na di-pumutok kung saan sinisilip ng pulisya ang anggulong may kaugnayan sa onsehan sa droga ang isa sa motibo sa pamamaril.

Show comments