Taxi driver utas sa holdaper

NORTH COTABATO, Philippines  - Sinalubong ni kamatayan ang isang taxi driver matapos itong holdapin ay pinagtulungan pang saksakin ng mga di-kilalang lalaki sa bisinidad ng Barangay Tigum sa bayan ng Pavia, Iloilo, kahapon ng umaga. Base sa police report, nakita na lamang sa labas ng kanyang taxi ang duguang biktima na si Jonathan Causing ng San Juan, Molo. Naisugod pa sa West Visayas State University Medical Center pero hindi na umabot ng buhay dahil sa pitong saksak sa dibdib na pinaniniwalaang nanlaban ito sa mga holdaper. Posibleng dalawa hanggang tatlo-katao ang nasa likod ng pamamaslang sa biktima.

Show comments