13 tiklo sa pot session

BULACAN, Philippines – Labintatlong durugista ang nasakote ng mga operatiba ng pulisya matapos itong maaktuhan sa pot session sa Barangay Caingin, bayan ng Bocaue, Bulacan kahapon. Kinasuhan na ang mga suspek na sina Carlo Niño Nicolas, 30; Marimar Apales ,19; Raymond Cruz, 30;Rica Silva, Roberto Dela Cruz, 55; Joel Diaz, 21; Hernani Ombion, 42; Rene Boy Cortez, 29; Melvin Salazar, 37; Rolando Caintoc, 37; Mark Alden Halili, 31; Josephus Gagarin, 29; at si Charlie Faustino, 27. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Ganaban Ali sinalakay ng mga operatiba ng drug enforcement unit ng PNP ang bahay na pag-aari ni alyas Niño kung saan naaktuhan ang mga suspek sa pot session. Nasamsam sa mga suspek ang 6-platic sachets ng shabu at mga drug paraphernalia.

Show comments