Mag-amang tulak, arestado

QUEZON, Philippines – Bumagsak sa kamay ng pulisya ang mag-ama na sinasabing sangkot sa serye ng pagtutulak ng bawal na droga makaraang maaresto ng mga operatiba ng pulisya sa inilatag na operasyon sa Sitio Looban, Barangay Lutucan Malabag sa bayan ng Sariaya, Quezon kamakalawa ng umaga. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Roberto de la “Rocky” Roca, 49; at Mahanuel dela Roca, 20, kapwa nakatira sa nasabing barangay at kapwa nasa talaan ng PNP na most wanted person kaugnay sa pagtutulak ng droga. Ayon kay P/Supt. Harold Depositar, hepe ng Sariaya PNP, nasakote ang mga suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Dennis Pastrana ng Lucena City Regional Trial Court Branch 56 sa Quezon. Walang inirekomendang piyansa para pansamantalang makalaya ang  mag-ama.

 

Show comments