TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Napatay ang 21-anyos na guro matapos itong pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa harap ng mga estudyante habang naglalakad sa gilid ng highway sa Barangay Tay-ac, bayan ng Rosario, La Union kamakalawa. Kinilala ni P/Senior Insp. Roy Villanueva, deputy chief ng Rosario PNP ang biktima na si Michael Tumabcao ng Union Institute of Rosario. Lumalabas sa imbestigasyon na naglalakad ang biktima kasama ang kanyang mga estudyante mula sa paglalaro ng basketball nang hintuan at ratratin ng naka-helmet na killer dakong alas-7:30 ng gabi.? Love triangle ang isa sa anggulong sinisilip ng pulisya kaya naganap ang pamamaslang sa biktima.