Drug peddler dedo sa shootout

Kinunan ng lara­wan ng isa sa mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives ang duguang katawan ng isang drug peddler na napatay sa shootout  sa  Barangay Kaypombo, bayan ng Sta. Maria, Bulacan kamakalawa. Boy Cruz

BULACAN, Philippines – Napatay ang 40-anyos na drug peddler matapos itong makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Kaypombo, bayan ng Sta. Maria, Bulacan kamakalawa ng hapon. Kinilala ang napatay na si Rodolfo “Bok” Bermudo ng El Pueblo Del Rio Subdivision habang naaresto naman ang anak nitong si Dave Joshua Bermudo,18; at ang dalawang menor-de-edad na lalaki. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Rodolfo Hernandez, ikinasa ang buy-bust operation laban sa suspek subalit nang makatunog ay nakipagbarilan sa mga awtoridad hanggang sa mapatay. Narekober sa tabi ng bangkay ni Rodolfo ang cal .38 revolver, siyam na plastic sachet ng shabu at ang mark money na ginamit sa operasyon.

 

Show comments