Comp Sci student patay sa Zamboanga hazing

MANILA, Philippines – Patay ang isang Computer Science student matapos sumailalim sa initiation rites ng isang fraternity sa Zamboanga City.

Nakilala ang biktimang si Anthony Javier, 18, ng Atis Drive, Barangay Baliwasan at estudyante ng Western Mindanao State University (WMSU).

Arestado naman ang pitong miyembro ng Tau Gamma Phi WMSU-chapter na nagsagawa ng initiation rites.

Ayon sa imbestigasyon, isinagawa ang pagpapahirap kay Javier sa Abong-Abong Park sa Upper Pasonanca kahapon bandang 2:45 ng hapon.

Isinugod sa ospital ang biktima matapos himatayin sa kalagitnaan ng initiation rites ngunit kalaunan ay binawian din ng buhay dahil sa natamong bugbog sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

 

Show comments