Estudyante inutas sa internet café

MANILA, Philippines – Napaslang ang 19-anyos na estudyante sa kolehiyo matapos itong pagbabarilin sa harapan ng mga kaibigan habang nakatayo sa internet café sa Zamboanga City kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Jan Jalanie del Coro ng Zamboanga State Polytechnic College. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, nakatayo ang biktima sa harapan ng Trisha Internet Cafe na pag-aari ni Heidy Depamylo sa Sunrise Village sa Barangay Tugbungan nang lapitan at ratratin ng gunmen. Isinugod sa Zamboanga Doctor’s Hospital subalit idineklarang patay habang nakatakas naman ang gunmen.

Show comments