2 grinipuhan ng adik, patay

PAMPANGA, Philippines – Magkasunod na napatay ang dalawang babae matapos itong pagsasaksakin ng kanilang kamag-anak na sinasabing lango sa droga noong Sabado ng hapon sa Barangay Malabanias, Angeles City, Pampanga.

Sa police report na nakarating kay P/Chief Supt. Rudy G. Lacadin, PNP regional director,  kinilala ang mga biktimang sina Josephine Joy Garcia, 22; at Mildred Supan na kapwa nakatira sa Bana Street sa Sitio Abacan sa nabanggit na barangay.

Naaresto naman ang 30-anyos na suspek na si Roel Supan na kasaluku­yang ginagamot sa Ospital ng Angeles matapos itong maglaslas sa leeg.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na magkasamang nanonood ng telebisyon ang mga biktima nang pasukin at saksakin ng suspek.

Tinangkang mag-suicide ng suspek matapos gilitan ang sarili subalit naisugod naman sa nasabing ospital.

Nahaharap sa kasong murder at parricide ang suspek.

Show comments