Lider ng NPA rebs, arestado
MANILA, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng babaeng lider ng mga rebeldeng New People’s Army matapos itong maaresto ng tropa ng militar sa inilatag na checkpoint sa Barangay Poblacion, bayan ng Sibagat, Agusan del Sur kamakalawa. Isinailalim na sa tactical interrogation ang suspek na si Rona Mae Callao, secretary ng Guerilla Front 30A, at regional financial and medical staff ng North Eastern Mindanao Regional Committee sa Surigao del Sur. Ayon kay Capt. Joe Patrick Martinez, hepe ng public affairs office ng 4th Infantry Division, si Callao ay itinuring na wanted dahil sa kasong robbery, multiple murder at frustrated murder. Nasamsam sa suspeck ang cal.357 revolver na may limang bala, Lenovo tablet, apat na cellphones, P2,200 cash, at subersibong dokumento.
- Latest