Mister kinalasan ng misis, nagbigti

BULACAN, Philippines – Kusang nagpasalubong kay kamata­yan ang 38-anyos na mister na sinasabing kinalasan ng kanyang misis matapos itong magbigti sa kanilang bahay sa Barangay Tiaong, bayan ng Guiguinto, Bulacan kamakalawa ng gabi. Sa imbestigasyon ni PO3 Michael Joseph Sales, dakong alas-7:30 ng gabi ng matagpuan ang nakabiting katawan ni Edgardo De Guzman sa barandilya ng kanilang bahay sa Fantacy Island Compound sa nabanggit na bayan. Bago maganap ang insidente ay nagbanta ang biktima na magpapakamatay matapos iwanan ng kanyang misis noong Hulyo 2015. Binalewala naman ng mga anak ang tinuran ng ama hanggang sa matagpuan ang bangkay ng biktima na nakabitin.

Show comments