6-anyos kritikal sa pamamaril

QUEZON, Philippines – Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang 6-anyos na totoy matapos itong barilin ng nakaaway ng kanyang ama sa Sitio Lumboy, Barangay Inabuan sa bayan ng San Franciso, Quezon kamakalawa ng gabi. Nagtamo ng tama ng cal. 38 revolver sa ulo ang biktimang si John Ray Rabis habang naaresto naman ang suspek na si Antonio Rogel. Sa imbestigasyon ng pulisya, natutulog ang biktima sa  kanilang bahay nang pumasok ang suspek kung saan hinanap ang ama nito. Gayon pa man, hindi  nakita ng suspek ang pakay kaya pinagbalingang barilin ang walang kamalay-malay na bata saka tumakas subalit nadakip sa isinagawang follow-up operation.

Show comments