Obrero ginilitan ng kabaro

CAVITE, Philippines – Kasalukuyang nakikipagbuno kay kamatayan ang 38-anyos na construction worker matapos itong gilitan ng kanyang kabarong trabahador sa loob ng kanilang barracks sa Barangay Mag-asawang Ilat sa Tagaytay City, Cavite kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Michael Ornedo habang arestado naman ang suspek na si Jundel Evangelista, 32, ng Sta. Cruz, Laguna. Sa police report na isinumite sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City, lumilitaw na pinasok at ginilitan ng suspek ang biktimang natutulog sa barracks bandang alas-11:30 ng gabi. May teorya ang pulisya na napikon ang suspek sa pagbibiro ng biktima habang ang dalawa ay ang-iinuman kaya naganap ang krimen.

Show comments