P5.4 marijuana sinunog
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Umaabot sa halagang P5.4 milyong tanim na marijuana ang sinunog ng mga awtoridad matapos salakayin ang 12-plantasyon sa kabundukan ng mga Sitio Nagawa at Saleng sa bayan ng Bakun, Benguet kamakalawa. Sa police report na nakarating kay Cordillera PNP director P/Chief Supt. Isagani Nerez, aabot sa 21,000 fully grown plants at 29,500 seedlings ang winasak ng mga operatiba ng pulisya matapos matunton ang plantasyon sa pusod ng kabundukan. Wala namang nadatnan na magbubungkal sa mga nasabing plantasyon. ?
- Latest