Drug peddler utas sa shootout

CAMP JULIAN OLIVAS, Pampanga, Philippines – Napatay ang sinasabing drug peddler habang anim-katao naman ang nasakote sa inilatag na drug bust operation ng mga operatiba ng pulisya sa Barangay Natividad, bayan ng Guagua, Pampanga noong Miyerkules ng umaga. Sa police report na nakarating kay P/Chief Supt. Rudy Lacadin, PNP regional director, kinilala ang napaslang na si Romy “Ka Bulabog” Reyes habang nasakote naman ang mga suspek na sina Jun Ronquillo, 34; Carlito Bacani, 45; Alvino Serrano, 44; Arnel Sinque, 50; Rodel Layug, at si John Carlos. Bandang alas- 6:30 ng umaga nang salakayin ng mga operatiba ng pulisya ang sinasabing drug den kung saan nauwi sa shootout. Nasamsam sa mga suspek ang cal.45 pistol,10 plastic sachet ng  shabu, at mga drug pharapernalia.

Show comments