Tanod dinedo dahil sa manok

CAMARINES NORTE, Philippines – Pinaniniwalaang panabong na manok ang isa sa motibo kaya napatay ang 45-anyos na barangay tanod matapos itong saksakin ng dating mi­yembro ng Cafgu sa Barangay  San Isidro, bayan ng Lupi, Camarines Sur kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa dibdib at idineklarang patay sa Sipocot District Hospital ang biktimang si Crisanto Marantal habang pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Edgardo “Lolo” Agustin, 43, magsasaka at nakatira sa nasabing barangay. Sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na abala sa pagbabantay sa kapistahan ang biktima nang lapitan at saksakin ng suspek. Sa impormasyong nakalap ng pulisya, nag-ugat ang alitan ng dalawa dahil sa panabong na manok.

Show comments