Magpinsang seaman bumulagta

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Magkasabay na sinalubong ni kamatayan ang magpinsang seaman na nakatakdang maglayag makaraang sumalpok ang kanilang kotse sa punungkahoy sa gilid ng highway sa Barangay Toran, bayan ng Aparri, Cagayan kamakalawa ng mada­ling araw. ?Sa ulat ni SP01 Florentino Usita, sumalpok ang minamanehong kotse ni Alvin Karl Castillo sa puno ng mangga pagsapit sa kurbadang highway. Bukod kay Castillo, namatay din ang pinsan nitong si Roland Oclos Urbanoza habang kritikal naman si Paul Michael Ugale. Nabatid na papauwi na ang mga biktima mula sa inuman sa beerhouse bilang dispedida nila sa pagsampang muli sa barko nang maganap ang sakuna dakong alas-2:30 ng madaling araw. Pinaniniwalaang lango sa alak ang driver ng kotse kung saan nakaidlip ito sa pagmamaneho kaya nakasalubong si kamatayan.

Show comments