^

Probinsiya

Imam patay sa Sayyaf attack

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang Imam makaraang umatake ang mga bandidong Abu Sayyaf Group sa Barangay Sandah, bayan ng Patikul, Sulu kahapon.

Kinilala ni Col. Alan Arrojado, commander ng Joint Task Group Sulu ang napatay na si Baddiri Jamdane, isa ring mi­yembro ng barangay patrol sa kanilang komunidad.

Bandang ala-1:45 ng hapon nang umatake ang may 150 Abu Sayyaf sa pamumuno ni Sub-Commander Ninok Safare.

Lumilitaw na pumosisyon sa mataas na bahagi ang mga bandido saka pinaputukan ang direksyon ng mga barangay tanod sa nasabing lugar. “Firefight ensued when the BPATS (barangay security patrol) organized themselves to counter ASG harassment,” ayon kay Arrojado kung saan minalas na tamaan sa kasagsagan ng putukan si Jamdane.

Lumilitaw pa sa imbestigasyon na nairita at ikinagalit ng mga bandido ang pagsuporta ng mga lokal na residente sa itinata­yong highway na nag-uugnay sa Barangay Sandah patungong Barangay Tugas sa Patikul.

Samantala, ipinakalat na ang operatiba ng Army’s 35th Infantry Battalion kung saan nagpaulan ng mortar sa mga bandido kung saan nagsitakas ang mga ito patungo sa direksyon ng Barangay Tanum.

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

ACIRC

ALAN ARROJADO

ANG

BADDIRI JAMDANE

BARANGAY

BARANGAY SANDAH

BARANGAY TANUM

BARANGAY TUGAS

INFANTRY BATTALION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with