4 dinakma sa drug bust

BULACAN, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng apat na drug pushers makaraang masakote sa isinagawang magkahiwalay na drug bust operation ng pulisya sa  Barangay Bunsuran 3rd at Barangay Bagong Barrio sa bayan ng Pandi, Bulacan kahapon ng madaling araw. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Fidel Cayco, 44, ng Brgy. Bunsuran 3rd; Ariel Fausto, 51; Ro­naldo Bernardo, 49; at si Marife Garcia, 23, mga nakatira sa Brgy. Bagong Barrio sa nabanggit na bayan. Sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Victor Bernardo, unang nasakote si Cayco kung saan nasamsam ang dalawang plastic sachets ng shabu. Samantala, nasakote naman ang tatlo makaraang maaktuhan sa pot session sa bahay ni Garcia. Nasamsam sa tatlo ang ilang gramo ng shabu at mga drug paraphernalia.

Show comments