May-ari ng Royal Hotel, itinumba

ANGELES CITY, Pampanga, Philippines – Napatay ang 60-anyos na negosyanteng Koreano makaraang pagbabarilin ng ‘di-kilalang lalaki sa kanyang opisina sa Barangay Anunas, Angeles City sa Pampanga noong Huwebes ng hapon.

Sa ulat ni SPO4 Romeo Mamarillo na isinumite kay P/Supt. Eden T. Ugale, limang bala ng cal. 45 pistol ang tumapos sa buhay ni Park Youn Jae, may-ari ng Royal Hotel sa Grand Palazzo Royale sa Barangay Cuayan sa nasabing lungsod.

Lumilitaw na nasa ikalawang palapag ng Moggongwa Building sa Friendship Highway ang biktima kasama ang kaibigang Koreano nang biglang pumasok ang isang hindi kilalang lalaki.

Gayon pa man, lumapit ang lalaki kay Kim at hinanap ang nasabing trader kung saan nagpakilala naman kaagad ang biktima.

Dito na pinagbabaril ang biktima hanggang sa duguang bumulagta kung saan mabilis na tumakas ang gun­man lulan ng kotseng puti.

Narekober sa crime scene ang anim na basyo ng bala ng cal. 45 pistol habang sinisilip naman ang anggulong alitan sa negosyo ang isa sa motibo sa pamamaslang.

Show comments