5 magkakapamilya minasaker

MANILA, Philippines – Limang magkakapamilya kabilang ang dalawang bata ang napatay matapos ratratin ng mga maskaradong lalaki sa naganap na masaker sa Barangay Victory, Calbayog City, Samar noong Martes ng umaga. Sa ulat ni Calbayog City PNP Director P/Supt. Ernesto Salvador Tagle na isinumite sa Camp Crame, kinilala ang mga napatay na sina  Sonny Regulacion, 38, magsasaka; Adela Regulacion, 48; Cristina Regulacion, Angel Mae Regulacion, 2; at Christine Joy Regulacion, 5. Isinugod naman sa ospital ang mga sugatang sina Marlene Regulacion, 40;  at Wendy Regulacion, 7. Ayon sa imbestigasyon, nagpapahinga ang mga biktima sa kanilang bahay nang pagbabarilin ng mga di-kilalang kalalakihan. Sinisilip ng mga awtoridad ang anggulong may kinalaman sa politika ang naganap na masaker dahil ang mga biktima ay tagasuporta ng kandidato sa mayoraly race.

Show comments