3 bulagta sa shootout

LAGUNA, Philippines – Tatlong  kalalakihan na miyembro ng notorious criminal group ang napatay makaraang maki­pagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa Barangay Langkiwa, Biñan City, Laguna kahapon ng  tanghali.

Kabilang sa mga na­paslang ay si Warlito Sanchez na miyembro ng Pogi Group na pinamumunuan ni Ricky Sison na sinasabing most wanted person sa Laguna.

Samantala, bineberipika pa ang pagkakakilanlan ng dalawang kasama ni Sanchez.

Sa police report, lumilitaw na isisilbi sana ng pulisya ang warrant of arrest laban kay Sanchez sa mga kasong murder nang sumiklab ang bakbakan kung saan napatay ang tatlo.

Napag-alamang si Sanchez ay may mga  kaso ka­ugnay sa bentahan ng ba­wal na droga at dalawa pang kaso na murder.

Sangkot din ang nasa­bing grupo sa extortion at pananakot sa mga maliliit na negosyante habang narekober naman ang cal. 45 pistol, cal. 9mm pistol at cal. 38 revolver.

Show comments