Aburidong misis, nagbigti

BULACAN, Philippines – Natuluyan sa ikatlong pagkakataon ang pagpapatiwakal ang 23-anyos na misis matapos itong magbigti sa kanilang bahay sa Barangay Gumaoc East, San Jose Del Monte City, Bulacan kahapon ng umaga. Bandang alas-6 ng umaga nang matagpuan ang katawan ng biktimang si Princess Diana Dela Cruz ng Block 54 sa nasabing barangay. Ayon kay PO2 Niel Bryan Agapito, huling namataang buhay ang biktima bandang alas-10 ng gabi kamakalawa na umiinom ng alak bago nagtuloy sa kuwarto para matulog. Narekober sa ibabaw ng mesa ang suicide note ng biktima kaugnay sa kanyang pagkaaburido sa buhay kung saan tumanggi rin ito na isailalim sa awtopsy.

Show comments