MANILA, Philippines - Binalot ng matinding tensiyon ang may 128 pasahero at mga crew lulan ng isang eroplano ng Philippine Airlines matapos na umusok at napilitang bumalik para sa emergency landing sa paliparan ng Davao City kahapon ng hapon.
Sa text message, sinabi ni Supt. Antonio Rivera, Spokesman ng Police Regional Office (PRO) 11 na naganap ang insidente dakong ala-1:34 ng hapon.
Sa ulat ng Aviation Security Unit (AVSEU) 11, sinabi ni Rivera na kalilipad lamang ng PAL flight PR-1814 patungong Manila mula sa Davao International Airport na kinalululanan ng 128 pasahero bukod pa sa mga crew nang mapansin ng piloto na may umuusok sa cargo compartment ng eroplano kaya napilitan silang bumalik sa paliparan at nag-emergency landing.
“A fire truck from Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) immediately responded to the scene and a medical team was sent to check on the status of 128 passengers on board,” ani Rivera. Patuloy naman ang masusing imbestigasyon sa kasong ito.