10 arestado sa pot session

TUGUEGARAO CITY, Cagayan – Sampu-katao ang nasakote ng mga operatiba ng pulisya makaraang maaktuhan sa pot session sa loob ng gusali sa Barangay Pico, bayan ng La Trinidad, Benguet kamakalawa.Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Reymark Sosa Granil, Jerby Atas Caga, Leo Cabacongan Arcinas, Celito Kiako Albar, Rene Bandong Palope, Manuel Olivo Calimlim, Darwin Lachica Villanueva, Jefferson Ingo Bihar, Michael Perdio De Guzman at si Lacson Licosta Fernandez na mga nakatira sa nabanggit na bayan. Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang pulisya na may mga kalalakihan na nagsusugal habang humihithit ng shabu kaya inilatag ang operasyon sa isang gusali. Nasamsam sa mga suspek  ang 8 plastic sachet ng shabu, mga drug paraphernalia at baraha na ginagamit sa tong-its.

Show comments