MILF officer tiklo sa drug bust

NORTH COTABATO, Philippines – Arestado ang isang opisyal ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa inilatag na drug bust operation ng pulisya sa Barangay Kalawag 2, bayan ng Isulan sa Sultan Kudarat kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Supt. Joefel Siason, hepe ng Isulan PNP, ang suspek na si Mutin Tansay, deputy inspector ng MILF. Inaresto rin ang kasamang karpinterong si Daniel Balmes Belotillo kung saan nakuha sa mga ito ang 2.5 gramo ng shabu at ang motorsiklo na sinasabing nakaw. Nakatakda namang  kasuhan ang suspek habang inihahanda na ang mga ebidensya.

Show comments