Mag-asawa niratrat, grinanada ng tandem

STAR/File photo

MANILA, Philippines - Napatay ang mag-asawa matapos pagbabarilin ay grinanada pa ang kanilang kotse ng motorcycle-riding assassins sa kahabaan ng kalsada sa Sitio Kanluran, Barangay Bayog, Los Baños, Laguna kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Senior Supt. Florendo Saligao, director ng Laguna Provincial PNP  ang mga biktima na sina Liezel Morales, 36; at Merlito Morales na kapwa nakatira sa #1736 Purok 4, Barangay Concepcion sa San Pablo City.

Natukoy ang pagkakakilanlan ng mga biktima base sa mga identification cards na nakuha sa loob ng kanilang kotse na nasunog.

Sa police report na isinumite sa Camp Crame, bu­ma­bagtas sa kahabaan ng kalsada ang itim na Toyota Avanza (ULQ 484) ng mga biktima nang lapitan at pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen.

Para matiyak na napatay ang mga biktima ay pinasabog pa ang kotse ng mga ito matapos hagisan ng granada kung saan nagtamo ng sunog sa katawan ang dalawa.

 

Show comments