Anak napagalitan ng ama, nagbigti
BULACAN, Philippines – Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 19-anyos na estudyante matapos itong pagalitan ng sariling ama sa kanilang bahay sa Barangay Tiaong, bayan ng Baliwag, Bulacan kamakalawa ng gabi. Hindi na umabot ng buhay sa Baliwag District Hospital ang biktimang si Gerome Manaco ng Abraham Street sa nasabing barangay. Sa inisyal na imbestigasyon nina PO3 Emiliano Jalova Jr. at PO3 Jesrael Yahweh, lumilitaw na nasermunan ang biktima ng kanyang ama matapos itong mabisto na hindi pumapasok sa paaralan. Gayon pa man, minasama at dinamdam ng biktima ang panenermon ng ama kaya nagdesisyon itong magpasalubong kay kamatayan.
- Latest